Just another WordPress.com weblog

kailan ba magtatapos ang isang paglalakbay na walang tiyak na paroonan maliban sa kagustuhang makarating sa sariling pangarap.   paano matatapos ang isang paglalakbay kung sa gitna ng iyong paglalakad ay magbago ang iyong isip at  pinili mong mag-ibang daan.   ano ang kahahantungan ng isang paglalakbay kung hindi mo magawang ilakad ang isa sa […]

Saranggola

minsan ay may musmos

nangarap magpalipad

ng isang mumunting

saranggola sa kawalan

 

tangan ang patpat

kanyang binuo

katawan ng saranggola’t

masinsing hinubog

 

kasabay ang pisi

mga bahagi ay pinagtali

upang sarangola’y tumibay

laban sa hanging nalulumbay

 

ngunit kahit anong gawin

saranggola’y di kayang paliparin

sapagkat ihip ng hangi’y

matindi ang dating.

 

sa lakas ng ihip

napigtal sa pagkakatali

ang pagpalipad saronggola

ngayo’y tila naging sawi

 

kaya ika’y aking nilapitan

luha mo’y dali-daling pinunasan

at isang mahigpit na yakap

ang sa iyo’y pinalasap

 

tayo ay lumikha

ng panibagong obra

saranggolang mas pinagtibay

ng labidalawang taong nating pagsasama

 

sabay tayong humarap

sa hanging mailap

at ating mga pangarap

ngayo’y kikislap

 

ngayon aking anak

ikaw na ang humawak

sa ating mga hangad

aasahan kang tutupad

 

kahit atiing mga pangarap

lumipad at hindi  matutupad

alam ko na muli kang uuwi

upang kalimutan ang pighati

 

dahil ang paglalaro natin

kahit dito na magwawakas

ako’y panatag sapagkat ikaw anak

ang gagawa ng bagong bukas.

 

paliparin mo ang iyong sarangola

na binuo mo mula sa diyaryo

na sa iyo’y nagpadusa

dahil ikaw lamang ang nag-iisang anak ko.

 

 

Hindi ko maikukubli sa aking sarili ang poot na aking naramdaman sa naganap na hostage drama kahapon. alam kong ito ay sumugat hindi lamang sa mga puso ng mga taong kasangkot sa sitwasyon kundi pati na rin sa mga mamamayang nakasaksi sa pangyayari sa tulong ng Mass Media. Ako mismo ay nagalit kay G. Mendoza dahil sa kanyang ginawa habang pianonood ko ang balita.

Alam ko na masakit mawalan ng isang importanteng bahagi sa ating buhay. Alam ko na mali ang ginawa ni G. Mendoza ngunit naramdaman ko tunay niyang saloobin noong aking muling balikan ang mga larawan mula sa internet. Mababanaagan ang isang taong may pagmamalasakit sa kanyang kapwa kahit siya nasa kalagitnaan ng kanyang paghihimutok.

Huwag sana ninyong husgahan ang buong sambayanan dahil sa pagkakamali ng isang mamamayan bagkus ay unawain at alamin ang katotohanan. Huwag naman sanang idamay ang mga kapwa namin na walang kaugnayan sa pangyayari. Hindi kinakailangang pati ang mga Pilipino at ang bansa ang bigyan ng isang titulong hindi naman kararapat-dapat.Ganoon na lamang ba ang pagtingin ninyo sa amin. Marahil nabubulagan kayo dahil madugong pangyayari pero sana po sa paglipas ng panahon unti-unting maghilom ang sugat na nagmarka hindi lamang sa inyong mga puso kundi lalo na sa aming mga Pilipino. Kung kayo po ay nasaktan dahil sa pangyayari,mas nasasaktan po dahil alam namin na ang isang kapwa namin ay nakagawa ng kasalanan.

Hindi po namin kayo masisisi pero gagawa kami ng paraan upang linisin ang putik na sa mga mukha namin ngayon ay nakaguhit.

Dalagang ina

Akala ko’y masarap,
Mabuntis pala’y mahirap
Dahil hindi lahat ng pangarap
Ay masayang nagaganap.

Sa paglilihi’y
Marami kang mahihingi.
sa panganganak,
Ika’y mapapatili.

Sa umaga ika’y maloloka,
Madududwal ka kahit nasa kama.
Paa mo’y mamamanas at,
Dugo mo’y tataas.

Tapos, katawan mo’y masakit,
At para kang inipit
Dahil sa pagod at tahi na
Masakit kung humahapdi.

Marka’y mananatili,
Bunga ng kamot ng daliri.
Zebra’y mawawaksi,
Sa tiyan mo’t kili-kili.

Akala ko’y matatapos na
Sa panganganak ay giginhawa
Ngunit umpisa pa lang pala
Ng isang mahabang krusada.

Habambuhay kang itatangi,
Magiging inang mabuti,
Dahil ika’y magpapalaki
Ng bunga ng masayang pagkakamali.

menopose na ako…

akala ko’y meron pa,
pulang mantsa sa puti kong palda
ngunit wala na palang natira,
dahil ako’y tumatanda na.

nagiging masungit,
minsa’y bugnutin,
ganito pala ang ugali,
kapag natira’y mumunting ihi.

Tapos na ang maliligayang araw,
dahil nabibilang na ang aking mga araw.
dahil sa kumupas na,
ang pulang mantsa sa aking palda.

Sana aking maibalik,
buhay kong kapana-panabik
upang hindi na ako hihibik
sa gabing malamig.

balat ko’y nangungulubot,
katawan ko’y natutuyot,
dahil hindi na ako maiiyot,
ng asawa kong malimot.

ako’y may hiling,
dalangi’y sana’y dinggin,
na ako’y pagpalain
isang round pa ay kakayanin.

pero hindi na ako magpupumilit,
at baka mga apo ko’y magalit,
sa pagnanais ulit,
magbuntis pa kahit huling hirit.

at ngayo’y lola mo’y kupas na,
hindi na ulit makapagpipinta,
isang larawang kay ganda,
sa puti kong palda.

Regla lang pala!

ako’y nagitla,
sa aking nakita,
Mumunting pula,
Sa puti kong palda.

kaba, takot at hiya
iyan ang aking nadama
dahil ito ang una
na ako ay makakita.

dali-dali akong umuwi,
tagaktak itong aking mga pawis.
hindi ko alam ang gagawin,
basta kailangan kong magmadali.

sa hagdan,
patungo sa aming pintuan,
aking dinanatnan,
ina kong nananahan.

agad ko siyang linapitan,
tinanong at inusisa,
kakaiba ba ang aking nakita?
bakit may ganito sa aking palda?

Ako’y pinatahan,
kinuwentuhan
at pinaliwanagan
ni inay na aking kapisan.

sa panahong ito,
aking nadama,
ang tunay na halaga
ng pagiging dalaga.

Tumatak ang salita ni ina
sa isip ko’t kaluluwa,
dahil dapat aking ikaligaya,
ang pagiging isang tunay
at ganap na DALAGA.

Sikat si Invisible man,
dahil siya ay number one
Pagtakas, pagtulong o kahit anuman
Basta nais kong maging invisible man.

Marahil mananakot ako,
Mga estudyante’y siguradong talo
Dahil sila’y susundan ko
Sa Yohoo o kahit sa infierno.

Nais kong maging invisible man,
Nang ang mahal ko’y mamasdan
Sa kanyang pag-uwe,
Ako’y gagabay
Sa kanyang pagtulong
Ako’y magbabantay.

Ngunit minsan hindi masaya
Ang maging invisible man ayaw ko na,
Dahil hindi nila makikita
Ang saloobin ng isang invisible man.

Tag Cloud