Just another WordPress.com weblog

suko na ako….

nakakapagod maghabol,

maghabol sa isang taong ibinigay mo na ang lahat-lahat;

mi ultimo pagkatao mo nasa kanya na,

ang buhay mo ay hawak niya,

dahil sa kanya umiikot ang mundo mo.

masakit mang tanggapin ,

ako ay isang tauhan ng isang taong aking minamahal

sunod-sunuran sa kanyang kaligayahan

at alipin ng kanyang kalibugan.

hindi ko naman siya masisisi

sapagkat kasalanan ko naman talaga

dahil inibig ko siya.

pakiramdam ko ako’y isang yelo

na unti-unting natutunaw

kapag nawala na ang lamig niya

o isang kandilang hindi sisindi

kung wala ang apoy na dulot niya.

anong magagawa ko

dito ako masaya,

dito ako lumiligaya,

at dito ako mabubuhay.

pagkalipas ng ilang saglit

ako’y ginising ng isang kalabit,

at narinig ko

“hoy! nananaginip ka na naman.”

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Tag Cloud

%d bloggers like this: