Thoughts in life, reality and expections

Travel, work, lakwatsa, aral, friends and family. These are the things that always on my mind. Gising sa umaga, pasok sa work kahit walang breakfast. Turo at admin work maghapon. Chill sa gabi kung may pera pero most of the time, isip ng thesis proposal at deadlines. Listen sa problema ng ilang friends at priorities para sa #fambam. Sa sobrang busy ko parang may nakakalimutan na ata ako.

14681062_10207758130776636_3950439667800385923_o

I’ve been working since 2009 and focused a lot to achieve my goals and until now I haven’t achieve my goals. Minsan yung mga dapat mong i-prioritize yun pa ang nawawala sa picture.

Few days ago, I was able to see a post from my colleague and I saw her picture with my former teacher sa OJT. Naalala ko yung buhay ko dati bilang estudyante. I was about to graduate then when I lost my grandmother. I felt that I lost everything. I remember noong nag-o-ojt ako, there were times na kahit may family ako at relatives, wala akong baon kasi naubos ko na yung allowance ko. Then, darating si Ma’am Mercy , bibigyan ako ng pagkain para makapag-lunch ako. I’m not saying na nagkulang yung family ko pero kasi nahihiya akong humingi sa mga Parents at Tito’t Tita ko. I won’t forget yung pritong dalagang bukid na may kasamang labanos at kamatis. That time feeling ko, sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaranas ng ganitong hirap. Everytime na naalala ko yung eksena sa buhay ko. Pero salamat kasi kahit papaano naranasan ko sa buhay ko na there is still hope.

12345551_10205601730107967_6889918207105419211_nI was able to graduate and experienced yung maabutan ng ulan after the interview. Yung masira ang sapatos dahil sa paglalakad para lang makahanap ng work. Finally after few months I got hired in a university. Here I was able to meet new friends na later naging family na rin ang turing ko sa kanila. Nandyan yung parang parents ko na kasi lagi akong pinapayuhan at ginagabayan din ako. Sa work din ako nakaranas ng true love (True love talaga? Hopia naman ako hahahaha…)

True love? Siguro.

I can still remember the first day na nakilala ko siya. Wearing black dress, red lipstick at friendly na aura. Di ko malilimutan yung araw na iyon. As time goes by, we got closer to each other. She was ther to comfort me tuwing malungkot ako or worried. She’s there to support me in different things and plans I make. There were times that I didn’t recognize her presence or I chose to recognize her just to hide my feelings for her. After more than three years, nagkaroon ako ng lakas ng loob to confess my real feelings pero I believe late na. Late? Oo late na ako. Ang dami ng oras  na sinayang ko to tell the things and feelings na dapat di ko tinago. Few months after I tell her everything, God gave me 1 week, YES, isang linggo lang ang binigay sa akin to prepare my self. God took her away from me. Kinuha sa hindi inaasahang panahon at pagkakataon.

26962281_10211310890593411_6629183283935151944_oNasaktan ako noong iwan ako ni Nanay (lola ko) pero iba ang sakit ang naranasan ko noong mga araw na iyon. Daig pa ang sakit na naramdaman ko noong unang beses ako makipagsuntukan. Mas masakit pa sa palo na naranasan ko noong bata ako. Siguro kaya masyadong masakit kasi di ko naibigay kung anong nararapat para sa kanya. Sa sobrang sakit, daig ko pa ang mga relatives niya sa pag-atungal sa burol nya.

Yung huling gabi ng lamay niya na ata ang pinakamahabang gabi sa buhay noong mga panahong iyon.Siguro kung di ako naging duwag na masaktan noong una pa lang, baka sakaling mas iba yung level ng pain.

There are several things that I have learned in my experiences.

First, don’t forget your past. Kung ano ka man ngayon, iyon ay dahil sa mga bagay sa nakalipas na humubog sa pagkatao mo. Yung mga maliliit na bagay mula sa nakalipas o mga bagay na wala sa ibang tao ay maaring may malaking epekto sa iyo sa hinaharap

Time flies. Bawat minuto ng buhay mo ay may halaga. Di maibabalik, di mapapalitan. Value time as you value your life.

People come and go. Hindi lahat ng oras pwede mo makasama ang mga taong gusto mong makasama. Some of them may stay but others will leave.

Fall in love. Don’t be afraid to fall in love. Take chances. Don’t be afraid to find love. Everyone has his/her love story to write.

Be Brave. Be brave if ever the love will not be returned on the way you give it to others. Walang masama kung masaktan o madapa ka man basta mahalaga ay matuto kang tumayo at magpatuloy sa paglalakbay.

Leave something for yourself. Huwag mong ibigay lahat, magtira ka para sa sarili mo! Lagi natin itong naririnig at importante talaga na maglaan para sa sarili. You cannot give something that you don’t have. Di mo maibibgay ang isang bagay na matagal mo nang pinakawalan o sinayang. Paano mo ibabahagi ang isang parte ng buhay mo kung naibigay mo na pala ito sa iba. Learn to value your “SELF”.

12916276_10206409299216690_1653560219319302483_o

As I look back on my past, things have changed. There are things that I cannot repeat nor replace. Some memories may remain forever but there are some which are meant to be forgotten. The important thing is, looking back is way for a person to reach the goals in his/her life.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Tag Cloud

%d bloggers like this: